MENU
  • 1 of 6 Banner GWT 25
  • 2 of 6 Banner GWT 25-1
  • 3 of 6 Banner GWT 25-2
  • 4 of 6 Banner GWT 25-3
  • 5 of 6 Banner GWT 25-4
  • 6 of 6 Banner GWT 25-5

Pasig River Ferry FAQ (Updated June 7, 2022)


 1. Ano ang araw at oras ng operasyon ng Pasig River Ferry? )?


Ang Pasig River Ferry Service ay bukas mula Lunes hanggang Sabado. Nandito naman ang schedule ng Pasig River Ferry Service:


2. Magkano ang bayad sa Pasig River Ferry?

Libre ang pamasahe sa Pasig River Ferry Service. Pumunta lang sa anumang istasyon.
 

3. Saan-saan ang Pasig Ferry Stations

Sa kasalukuyan, ang Pasig River Ferry Service ay mayroong 11 stations:
 

  1. Pinagbuhatan (Eusebio Avenue, Pinagbuhatan Pasig City) – Katabi ng Coast Guard Station sa C6 Bridge.
  2. San Joaquin (San Bernardo Street, San Joaquin Pasig City) – Malapit sa Sumilan at Bambang Bridge.
  3. Maybunga (Dr. Sixto Avenue, Pasig City) – Katabi ng Maybunga Barangay Hall
  4. Kalawaan (R. Castillo St. Brgy. Kalawaan Pasig, Metro Manila)
  5. Guadalupe (J.P. Rizal Extension, Makati City) – Malapit sa MRT Guadalupe Station)
  6. Valenzuela (A. Bonifacio Street, Valenzuela Makati City) – Malapit sa Bonaventure Garden Homes, Riverside Studios Manila at LTO Makati District Office.
  7. Hulo (Coronado Street, Hulo, Mandaluyong City) – Malapit sa Parish of our Lady of Abandoned
  8. Lambingan (F. Manalo Street, Punta Santa Ana, Manila) – Harap ng Tomas Earnshaw Elementary School)
  9. Sta. Ana (Pedro Gil Street, Sta. Ana, Manila City) – Malapit sa Sta. Ana Public Market at Liwasang F. Calde)
  10. PUP (Anonas Street, Sta. Mesa, Manila) – Katabi ng Philippine Coast Guard Station)
  11. Lawton (Muelle Del Rio Street, Arroceros Manila) – Malapit sa Quezon Bridge, Plaza Lawton àt Post Office)
  12. Escolta (Muelle Del Rio Street, Intramuros, Manila City) – Likod ng Bureau of Immigration)
  13. Quinta (Carlos Palanca St., Quiapo, Manila) – Likod ng Quinta Market, malapit sa Quiapo Church)

4. Ano-ano ang mga alituntunin sa pagsakay sa Pasig River Ferry Service?

KAPAG NASA ISTASYON:

  1. Magpakita ng valid ID.
  2. Tiyaking nakasuot ang face mask.
  3. Sumailalim sa temperature check.
  4. Sagutan ang passenger manifest bago sumakay.
  5. Maaaring sumakay ang mga batang nasa edad 5 pataas na may kasamang guardian.
  6. Panatilihin ang physical distancing.

KAPAG NASA FERRY BOATS:

  1. Iwasang makipag-unahan sa pagpasok at paglabas ng ferry boats para makaiwas sa aksidente.
    1. Hintaying maitali nang maayos ang ferry boats bago tumayo o bumaba ng bangka.
  2. Ipinagbabawal ang kumain, magsalita, o makipag-usap sa telepono.
  3. Ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa ilog.
  4. Ipinagbabawal ang paninigarilyo.
  5. Ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato o video sa bahagi ng Malacañang na madadaanan ng ferry.

5. Anong edad ang pwedeng sumakay sa Pasig River Ferry Service?


Puwedeng sumakay ang mga batang nasa edad 5 pataas na may kasamang matanda. Sa mga matatanda naman, maaaring sumakay ang kahit na anong edad.

 

6. Maaari bang isakay ang bike


Sa mga bumibiyahe na gamit ang kanilang bike, maaari itong isakay sa ferry boat. Manghingi lang ng assistance sa Pasig River Ferry Service staff kung kinakailangan.

 

7. Ilan ang capacity ng mga ferry boats?


Nasa apat na ferry boats ang maaaring masakyan na may kapasidad na tig-55 pasahero.

 

8. Saan maaaring tumawag o magtanong tungkol sa Pasig Ferry Service?


Maaaring makipag-ugnayan sa MMDA Pasig River Ferry Service Facebook Page, MMDA Website (mmda.gov.ph) o tumawag sa 8882-4151 loc. 1186.

 

9. Tumatanggap ba ng ekslusibo o special trip/tour ang Pasig River Ferry Service?


Tumatanggap ng ekslusibong trip/tour sa Pasig River Ferry Service. Sundin lamang ang mga sumusunod para maproseso ang inyong request:


  • Magpadala ng letter of request sa ahensya ng MMDA at dahilan ng paggamit nito.
  • lagay sa liham ang mga sumusunod na detalye: bilang ng sasakay, petsa ng special trip/tour, contact information na maaaring matawagan ng ahensya
  • I-address ang letter of request kay: MMDA General Manager at concurrent Deputy Chairman Undersecretary Frisco San Juan, Jr. PRFS Head
  • Kapag naaprubahan, bayaran lamang ang kaukulang fees.
  • Maaari ring mag-iwan ng liham sa lahat ng istasyon ng Pasig River Ferry.
transparency pic

Calendar of Events