MENU
  • 1 of 2 Banner GWT 25
  • 2 of 2 Banner GWT 25-1

October 7, 2015

OFFICIAL PUBLIC APOLOGY STATEMENT OF CHAIRMAN FRANCIS N. TOLENTINO IN CONNECTION WITH TWERKING PLAYGIRLS INCIDENT

"'      Yung sinabi ko kahapon ng umaga sa isang istasyon. Muli po pinaaabot ko po ang paghingi ng pag unawa, pag hingi ng kapatawaran dun sa mga nasaktang grupo ng kababaihan dahil doon sa sitwasyon na nangyari sa Sta. Cruz, Laguna. Naging kamalian ko at tinatanggap ko ang hindi pagpigil doon sa naging performance ng mga mananayaw dahil ako ang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan sa naturang lugar. Kung na offend ko po ang grupo ng kababaihan, humihingi uli ako ng paumanhin. Humihingi ako ng paumanhin sa pamilya ni Congressman Benjie Agarao. Humihingi ako ng paumanhin sa mga kaibigan natin sa Laguna. Humihingi ako ng paumanhin sa aking nanay na nasaktan din. Humihingi ako ng paumanhin sa Partido Liberal kay Secretary Mar Roxas na hindi dapat na madamay ang kanyang pangalan. Muli sinasabi ko, hindi ko nakontrol, hindi ko napigilan ang naturang insidente na sa aking paniniwala at sa paniniwala din ng iba ay ginagawa rin naman araw-araw sa harap ng milyon milyon sa telebisyon araw-araw. Muli po ipinaabot ko man sa Partido Liberal na alisin na ang pangalan ko sa kino-consider nilang lineup sa pagka senador sa 2016. Nagpapasalamat ako sa lahat ng tumanggap ng pang unawa at ipagpatuloy nyo akong ipagdasal. Ipagdadasal ko rin ang aking mga gawain pa sa mga susunod ng araw. Maraming salamat po sa inyong pang unawa at patnubayan tayo ng Panginoon.”

 

transparency_pic

Calendar of Events